Paghanap sa identification number ng iyong device
Ang iyong device ay may natatanging ID (identification) number. Sa iyong device, ang
numerong ito ay tinatawag na IMEI (International Mobile Equipment Identity). Dapat kang
magtago ng kopya ng numerong ito. Maaaring kailanganin mo ito, halimbawa, kapag
ina-access mo ang serbisyo ng Xperia™ Care support at kailangan mong irehistro ang
iyong device. Gayundin, kung mananakaw ang iyong device, maaaring gamitin ng ilang
network provider ang numerong ito upang mapigilan ang device na ma-access ang
network sa inyong bansa.
Upang tingnan ang iyong IMEI number
1
Tiyaking naka-off ang iyong device.
2
Alisin ang takip ng slot ng micro SIM card at memory card.
3
Gamit ang isang daliri, alisin ang dalawang label tray (sa pagkakasunud-sunod na
ipinapakita sa larawan) upang tingnan ang iyong IMEI number.
Upang tingnan ang IMEI number, maari mo ring buksan ang dialler ng telepono sa iyong
device at ipasok ang
*#06#
.
Upang tingnan ang iyong IMEI number sa pamamagitan ng mga setting ng device
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Tungkol sa telepono > Katayuan >
Impormasyon ng IMEI.