Pag-a-update sa iyong device
Dapat mong i-update ang software sa iyong device upang makuha ang pinakabagong
functionality, mga pagpapahusay at mga pag-aayos ng bug para matiyak ang
pinakamahusay na pagganap. Kapag may available na update sa software, lalabas ang
sa status bar. Maaari ka ring tumingin ng mga bagong update nang manu-mano.
Ang pinakamadaling paraan upang mag-install ng update sa software ay gawin ito nang
wireless mula sa iyong device. Gayunpaman, hindi mada-download nang wireless ang
ilang update. Dahil dito, kailangan mong gamitin ang software na Xperia™ Companion
sa isang PC o Apple
®
Mac
®
computer upang i-update ang iyong device.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga update sa software, pumunta sa
www.sonymobile.com/update
.
Maaaring hindi makapag-update dahil sa hindi sapat na natitirang espasyo sa storage.
Siguraduhing mayroon kang sapat na espasyo sa storage bago subukang mag-update.
Para tingnan kung may bagong software
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga setting > Tungkol sa telepono > Update ng software.
Kung walang bagong software na available, posibleng wala kang sapat na bakanteng memory
sa iyong device. Kung ang iyong Xperia™ device ay may mas kaunti sa 500 MB na bakanteng
panloob na memory (memory ng device) na available, hindi ka makakatanggap ng anumang
impormasyon tungkol sa bagong software. Ang sumusunod na notification ay lumalabas sa
panel ng Notification upang magbabala tungkol sa kawalan ng espasyo sa storage: Nauubos
na ang espasyo sa storage. Maaaring hindi gumana ang ilang function ng system. Kung
matatanggap mo ang notification na ito, dapat kang magbakante ng panloob na memory
(memory ng device) bago ka makakuha ng mga notification tungkol sa bagong software na
magiging available.
Para mag-download at mag-install ng update sa system
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga setting > Tungkol sa telepono > Update ng software.
3
Kung may available na update sa system, tapikin ang
I-downoad upang i-
download ito sa iyong device.
4
Kapag tapos na ang pag-download, tapikin ang
I-install at sundin ang mga
tagubilin sa screen para kumpletuhin ang pag-install.
134
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
Upang mag-download at mag-install ng update sa system mula sa panel ng
Notification
1
I-drag paibaba ang status bar upang buksan ang panel ng Notification.
2
Mag-scroll pababa at piliin ang gustong update sa system, pagkatapos ay tapikin
ang
I-download.
3
Kapag tapos na ang pag-download, muling buksan ang panel ng Notification
panel kung nakasara ito, pagkatapos ay tapikin ang
I-install at sundin ang mga
tagubilin sa screen upang kumpletuhin ang pag-install.
Pag-a-update sa iyong device gamit ang isang computer
Maaari kang mag-download at mag-install ng mga update sa software sa iyong device
gamit ang isang computer na nakakonekta sa Internet. Kailangan mo ng isang USB
cable at PC o Apple
®
Mac
®
computer na may software na Xperia™ Companion.
Kung hindi pa naka-install ang software na Xperia™ Companion sa nauugnay na computer,
ikonekta ang iyong device sa computer gamit ang isang USB cable at sundin ang mga
tagubilin sa pag-install na nasa screen.
Upang i-update ang iyong device gamit ang isang computer
1
Siguraduhing naka-install ang software na Xperia™ Companion sa iyong PC o
Apple
®
Mac
®
computer.
2
Gamit ang isang USB cable, ikonekta ang iyong device sa computer.
3
Computer: Buksan ang software na Xperia™ Companion. Pagkalipas ng ilang
sandali, makikita ng computer ang iyong device at maghahanap ito ng bagong
software.
4
Computer: Kung may makitang bagong update sa software, may lalabas na
popup window. Sundin ang mga tagubiling nasa screen upang patakbuhin ang
mga may kaugnayang update sa software.
Kapag ikinonekta mo ang device sa computer sa pamamagitan ng isang USB cable, mapa-
prompt kang i-install ang software, o magkansela, maliban na lang kung pinili mo dati ang
Huwag ipakitang muli.